Gambal pinarangalan sa Lunduyan 2014; Frontline bumalik bilang miyembro ng CEGP
Angeles City, Pampanga --- John Khevin C. Gambal, patnugot sa opinyon ng Frontline ay nagkamit ng pangalawang gantimpala sa pagsulat ng lathalain at ikatlong gantimpala naman sa panliteraturang patimpalak, ang 10th Gawad Emman Lacaba (GEL) sa kategoryang sanaysay, ingles na dibisyon noong Okt. 23, 2014 sa DepEd Regional Educational Learning Center.
Ito ay ginanap kasabay ng 15th Luzon-wide Student Press Convention o ang Lunduyan 2014 noong Okt. 20-24. Linahokan ang nasabing pagtitipon ng mga iba’t-ibang pampubliko at pribadong kolehiyo o pamantasan sa Luzon kabilang ang mga kilalang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University (AdNU), National University (NU), Philippine Normal University (PNU), Polytechnic University of the Philippines (PUP), University of the Philippines (UP), University of Sto. Tomas (UST), at marami pang iba.
ANG PAGBABALIK
Mula sa apat na taon na hindi paglahok sa Lunduyan, ngayong taon maimamarka na sa kalendaryo ang pagbabalik ng Frontline Publication bilang opisyal na miyembro ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP).
Ang CEGP ay ang pinakatagal, pinakamalaki, at tanging alyansa ng mga publikasyong pang-tersaryo sa buong rehiyon ng Asya-Pasipiko mula pa noong 1931. Pinamumunuan ito ni Marc Lino J. Abila, pambansang presidente galing sa LPU Independent Sentinel ng Lyceum of the Philippines University (LPU).
ANG TAGUMPAY
Isang prestihiyosong parangal ang natanggap ni Gambal sa nasabing patimpalak. Sa katunayan, ang kanyang sanaysay patungkol sa Estado ng Edukasyon sa Pilipinas ay ang natatanging ginawaran sa kategoryang iyon.
Ito ang ilan sa mga mahahalagang salita na isinulat niya sa kanyang sanaysay na nakapukaw sa damdamin ng isa sa mga hurado, si Mykel Andrada.
“It is a truism that Filipino workers abroad are not given the privilege to practice their profession. Doctors in the Philippines are nurses from other countries while teachers become domestic helpers. Filipinos who are in the white collar are left with no choice to go down to their level of profession and accept the blue collared ones. The President Aquino administration said that the change in the Education curriculum would gear towards achieving the dream of these workers, we say, what if the government put into action its promises to all graduates that they have awaiting jobs inside the country. No Filipino would cry over their families as they leave the country. No Filipino would commit suicide anymore due to depression. No Filipino would be abused from the hands clutches of the foreign people. No undergraduate students would be afraid to finish their studies anymore as they can see a brighter future after graduation.”
Isa pa sa napagtagumpayan niya ang patimpalak sa pamamahayag, ang pagsulat ng lathalain o feature writing na may pamagat na “Sa Mapulang Lupa ng Hacienda Dolores”. Hango sa Basic Mass Integration (BMI), isa sa mga aktibidad ng Lunduyan na ginanap sa Paroc, Pampanga. Doon ay nasaksihan at nakasalamuha ng mga student journalist ang ilan sa pamilya ng mga magsasaka sa Hacienda.